^

Metro

Money remittance, nilooban ng 6 na armado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang money remittance company ang sinalakay ng may anim armadong kalalakihan, kahapon ng umaga sa Parañaque City. Sa inisyal na report ng Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng umaga sa isang sangay ng Western Union na matatagpuan sa panulukan ng Dr. A. Santos Avenue at Lopez Avenue, Sucat ng naturang siyudad.

Nabatid na lulan ang mga suspect sa dalawang motorsiklo at armado ng matataas na baril tulad ng automatic rifles at Uzi na puwersahang pumasok sa naturang money transfer com­­pany. Tinutukan ng mga suspek ng baril  ang guwardyang naka-duty at ilang staff dito  sabay na deklara ng hold-up.

Matapos matangay ang cash na nagkakahalaga ng P60,000 ay dali-daling nagsitakas ang mga ito. Nagsasagawa na ng follow­-up operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon sa insi­dente, napag-alaman na nitong nakaraang Sabado ng gabi  ay hinol­dap ang jewelry shop sa SM Mega Mall. Sa kabila ng ma­higpit na pinatutupad na gun ban ng pulisya  ay malalakas ang loob na gumawa ng krimen.

 

 

CITY POLICE

DR. A

ISANG

LOPEZ AVENUE

MATAPOS

MEGA MALL

SANTOS AVENUE

WESTERN UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with