Re-routing kasado na: 3,000 parak, ikakalat sa pista ng Itim na Nazareno
MANILA, Philippines - Aabot sa 3,000 mga puÂlis habang mahigit sa isang libong tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ikakalat sa paligid ng simbahan ng Quiapo at sa mga daraanan ng Itim na Nazareno para magmantina sa seguridad at daloy ng trapiko sa darating na Miyerkules, Enero 9 ng taong kasalukuyan.
Sinabi ng pamunuan ng MMDA na nasa 1,100 MMDA personnel ang kanilang itaÂtalaga sa Lunes sa mga lugar na daraanan ng prusisyon bilang maagang paghahanda sa pista ng Itim na Nazareno.
Nabatid, na maglalagay din ang ahensiya ng mga amÂbulansiya at mga road emergency vehicles, traffic mobile patrol cars, tugboats, AGILA surveillance, at communication units.
Maliban sa Traffic DisÂciÂpline Office (TDO), nakaÂalerto rin at nakakalat sa MayÂnila ang Task Force KaÂlasag, Road Emergency Group, PubÂlic Safety Division, ParÂking Discipline Group, at mga towing unit.
Kaagad na magkakaroon ng paglilinis sa mga dadaanan ng prusisyon ang mga tauhan ng Metro Parkway Clearing Group (MPCG).
Ayon pa sa MMDA, magÂlalagay din sila ng ilang portalets sa mga daraanan ng prusisyon upang makatulong sa mga deboto.
Batay sa pinag-aralang traffic rerouting, nabatid na lahat ng sasakyan na manggagaling sa Quezon City na dumaraan sa España ay pinapayuhang kuÂmanan sa P. Campa, kaÂkaliwa sa AndaÂlucia, kanan sa Fugoso, kaliwa sa T. Mapua hanggang sa patutunguhang desÂtiÂnasyon.
Para naman sa manggagaling sa hilagang bahagi ng Maynila na tatahak sa southbound ng Bonifacio Drive ay maaaring kumanan sa Roberto Oca, kaliwa sa Delgado, kaliwa sa 25th Street, kaliwa sa Bonifacio Drive para sa mga tutungo sa Port Area, o kaya’y kumanan sa Soriano hanggang Magallanes Drive, kanan sa P. Burgos, hanggang dumiÂretso sa Lagusnilad hanggang Taft Avenue.
Para naman sa mga mag mumula sa Taft patuÂngong Quezon City ay dapat na kumanan sa UN Avenue hanggang Otis, kaliwa sa Nagtahan, diretso sa A.H. Lacson, kaÂkanan sa España hanggang sa destinasyon.
Mula sa Quirino Grandstand, kakanan ang prusisÂyon sa Katigbak Drive palabas ng P. Burgos, kaÂkaliwa sa Taft Avenue patungo sa McArthur Bridge, kakanan sa Arlegui, kanan sa Fraternal palabas ng Vergara, kaliwa sa Duque de Alba, kaliwa sa Castillejos, kaliwa sa Farneclo, kanan sa Arlegui, kaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Aguila, kaliwa sa Carcer, kanan sa Hidalgo patungo sa Plaza del Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo hanggang Puyat.
Mula sa Puyat, kakaliwa naman sa Guzman, kaÂÂkanan sa Hidalgo, kaliwa sa Barbosa, kanan sa Globo De Oro hanggang makaraÂting muli sa Quezon Bridge. Sunod ay kakanan sa PaÂlanca, kanan sa Villalobos at deÂderetso sa Plaza Miranda papasok sa Quiapo Church.
Alinsunod sa tala ng simÂbahan, ala-1:00 pa lamang ng hapon ng Enero 8, sisimulan na ang tradisyunal na ‘pahalik’ sa poon ng Black Nazarene at ganap na alas-3:30 ng hapon, susundan ito ng parada.
Isang misa at healing service naman ang gaganapin alas-5:00 ng hapon na susundan ng isang vigil dakong alas-7:00 ng gabi.
Sa Enero 9, panguÂnguÂnahan ni Manila ArchÂbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa banÂdang alas-6:00 ng umaga habang susundan ito ng prusisyon ng imahe ng Itim na Nazareno na manggagaling ng Quirino Grandstand pabalik ng Quiapo Church.
- Latest