^

Metro

‘Hitman’ ni VP Sara tutukuyin ng CIDG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinisimulan na ng Criminal Investigation and Detection  Group (CIDG) ang imbestigasyon  sa naging pagbabanta ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos at House  Speaker Martin  Romualdez.

Ito naman ang sinabi ni  CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III kung saan sisikapin nilang tukuyin ang  sina­sabi ni Duterte na ‘hitman’ na kanyang  kinausap na papatay  kina Pangulong Marcos sa sandaling may mangyari sa kanya (Duterte).

“Yun talaga ang abot namin kung totoo nga bang may hitman, kung totoong baka naman walang hitman or baka naman yan ay figure of speech na naman. So yun ang ating mga titingnan diyan and we will be including all of those and considering those in our investigation.

Nilinaw ni Torre na  insidente ang kanilang iimbestigahan at hindi ang  bise presidente.

Ayon kay Torre, natanggap na niya ang  utos ni  PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil  kung  saan hihimayin nila ang mga impormas­yon na humantong sa mga maaanghang na pahayag  ni Duterte.

Sa katunayan, nakikipag ugnayan na sila sa  Presidential Security Group upang matukoy ang  ‘veracity’ ng impormasyon.

Tiniyak din ni Torre  ang ‘impartiality’ sa kaso  na itinuturing din ng National Security na  Council na isang national security issue.

Samantala, sinabi naman ni PNP Public Information Office chief PBGen Jean Fajardo, wala pa silang namomonitor na banta kaya nasa normal alert level  pa rin ang  PNP.

Gayunman handa naman silang maglaan ng  security personnel sa mga indibiduwal at opisyal na  may banta sa buhay at kung hihilingin.

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with