^

Metro

Mag-ama kinasuhan sa pagpatay sa asawa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anak at asawa ang sinasabing­ pangunahing suspek sa pagpatay sa babae­ng natagpuan sa trunk ng kotse sa Caloocan City noong Nobyembre 28.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si  Jorge Jose Jorge Jr., habang obstruction of justice naman ang isinampa sa ama nitong si Jorge Jose Jorge Sr., 52, kapwa nakalalaya at nakatira sa Bravo St., North Matrixville, Camarin, Caloocan City.

Sa rekord ng pulisya, lumilitaw na dakong alas-5 ng hapon noong Nob­yembre 28, 2012 nang matagpuan ang bangkay ni Marilou Jorge, 49,  sa trunk ng kanyang Honda Civic (CTF-103) na nakaparada may ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay.

Nabatid na nangamoy ang kotse na naging dahilan upang sapilitang buksan hanggang sa makita ang bangkay ng biktima na halos naaagnas na at may palatandaan na pinukpok ito sa ulo.

Dalawang kapitbahay ng biktima ang nag­sabing nakita si Jr., na siyang nagparada ng kotse noong Nobyembr­e 27 ng ma­daling-araw na naging dahilan upang maging pa­ngunahing suspek.

Sinabi naman ng ma­tandang Jorge na iniwan niya ang kanyang asawa at anak sa loob ng kanilang bahay noong Nobyembre 27, 2012 ng umaga kung saan kontra sa mga sinasabi ng mga saksi.

Kamakalawa ay sinampahan ng kasong parricide ang batang Jorge, habang obstruction of justice naman sa matandang Jorge, dahil halatang may pinagtatakpan sa maling pahayag na ibinigay sa mga pulis.

BRAVO ST.

CALOOCAN CITY

HONDA CIVIC

JORGE

JORGE JOSE JORGE JR.

JORGE JOSE JORGE SR.

MARILOU JORGE

NOBYEMBRE

NORTH MATRIXVILLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with