^

Metro

Nilinaw ng NCRPO Taguig chief of police, hindi sibak sa puwesto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni NCRPO Director Leonardo Espina na mananatili pa rin sa puwesto bilang Taguig City Chief of Police si Senior Supt. Tomas  Apolinario dahil hindi pa naman napatunayan ang akusasyon laban dito.

Ang paglilinaw ay ginawa mismo ni Espina matapos na rin lumabas na tinanggal na sa puwesto si Apolinario.

Aniya, kuryente ang nasabing balita dahil sa ngayon ay wala pa namang probable cause na nagdidiin kay Apolinario maliban sa naging pahayag ni SPO3 Alexander Saez.

Sa isang statement, tinawag naman na sinungaling at pawang black propaganda lamang ni Saez ang akusasyon nito kay suspended Taguig City Chief of Police Senior Supt. Tomas Apolinario na umano’y sangkot sa pagre-recycle o pagbenta ng nakumpiskang shabu sa naisagawa nilang mga operasyon sa Taguig.

Ayon kay Apolinario malinaw na walang basehan ang paratang laban sa kanya ni  Saez at binabaliktad lamang siya nito bilang paghihiganti matapos niyang sibakin sa  serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa ilang iregularidad.

Ani Apolinario, hindi nito sisirain ang kanyang iniingatang pangalan at ranggo para lamang sa pera. Naniniwala si Apolinario na isang bigtime drug syndicate na nalansag ng Taguig Police ang nasa likod ni Saez sa motibong maalis ito sa puwesto upang muling lumaganap ang droga sa lungsod. Inamin din naman nito na may ilang pulis Taguig ang sentro ng kanilang internal investigation kaugnay sa pagkakasangkot sa ilang katiwalian.

Matatandaan na isang big-time drug pusher na si Elisa Tinga ang nasakote ng Taguig City Police kamakailan, si Tinga na miyembro ng Tinga Drug Syndicate ay nasa ‘order of battle’ ng PNP.

ALEXANDER SAEZ

ANI APOLINARIO

APOLINARIO

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

DRUG SYNDICATE

ELISA TINGA

SAEZ

SENIOR SUPT

TAGUIG

TAGUIG CITY CHIEF OF POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with