^

Metro

Call center asst. manager, nagbaril sa sarili

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbaril sa sarili ang isang 37-anyos na call center assistant manager nang mabigo umano itong makuha ang mas mataas na posisyon sa trabaho sa San Andres, Maynila, kahapon ng hapon.

Patay na nang madis­kubre sa loob ng kanyang silid sa Albastro St., San Andres Bukid, ang biktimang kinilalang si Jose Martin, na may butas ang sentido at sa tabi nito ay ang kalibre .22 na baril na gi­namit sa pagpapatiwakal.

Sa ulat ni SPO1 Jo­na­than Moreno ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:00 ng hapon nang  madiskubre ng kanyang nakatatandang ka­patid na si Bernadeth sa loob ng silid ng biktima.

Sinabi naman ng ama ng biktima na si Antonio Martin, walang napuna o senyales sa biktima na may plano itong magpakamatay dahil huling nakitang buhay dakong alas-12:00 ng tanghali kahapon na naninigarilyo sa veranda ng kanilang bahay.

Subalit, sa kuwento aniya ng kasintahan na si “Jenny” nagpapaalam umano ito sa kanya nang walang dahilan.

Kamakalawa ng gabi ay nanggaling pa umano sa isang party kasama ang mga kaibigan.  Bigo rin umano ang bik­tima na masungkit ang mas mataas na posisyon na inaplayan nito sa kanyang pinapasukang call center.

vuukle comment

ALBASTRO ST.

ANTONIO MARTIN

BERNADETH

BIGO

JOSE MARTIN

KAMAKALAWA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

SAN ANDRES

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with