May asawa na nang balikan
Dear Dr. Love,
Akala ko ay natagpuan ko na ang ideal girlfriend sa katauhan ng aking bagong officemate na si Helga.
Na-love at first sight ako sa kanya, niligawan ko siya and after two weeks ay sinagot niya ako.
Masayang masaya ako at marami ang nainggit sa akin dahil maganda si Helga.
Three months na kaming mag-on nang ipadala ako ng office sa Japan para sa tatlong buwan na seminar.
Sa Japan ay lagi kaming nag-uusap ni Helga sa messenger ng FB. Pero sa second month ay hindi na siya sumasagot. Akala ko busy lang siya kaya naawalan ng time makipag-usap sa akin.
Pagkatapos ng seminar ay bumalik na ako sa bansa pero wala na sa office si Helga dahil nag-resign.
Nalaman ko na nag-asawa na siya. Marami ang naawa sa akin at nakadama ako ng kahihiyan.
Apektado ng matindi kong kalungkutan ang trabaho ko.
Pagpayuhan mo ako.
Waldo
Dear Waldo,
Ituring mong blessing in disguise iyan. Isipin mo na kung napangasawa mo si Helga at iniwanan ka niya, mas masakit ang sugat na nagdudulot nito.
Huwag ka nang malungkot dahil ini-expect ng management ang better performance mo dahil kagagaling mo lang sa isang seminar abroad.
Pakaisipin mo na hindi lang si Helga ang babae.
Makakatagpo ka pa ng higit na karapatdapat.
Dr. Love
- Latest