^

Dr. Love

Inagaw ng ina

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Kitty. Ako po ay 19 years old at kaisa-isang anak ng aking ina na single parent.

Bata pa ang nanay ko. Matanda lang siya ng 15 years sa akin at ako ay anak niya sa pagkadalaga.

Ang trabaho niya ay isang sexy dancer sa isang club. Nakakahiya pero iyan ang katotohanan.

Natigil na po ako sa pag-aaral at naka-focus sa negosyong on-line selling. May boyfriend po ako na 25 years old.

Pero kinalasan ko siya dahil nakumpirma ko na may relasyon sila ng nanay ko.

Masakit ang loob ko kaya naglayas ako sa amin at umupa na lang ng maliit na silid, tutal, maganda naman ang kinikita ko. Pero ang ina ay ina at mahal ko siya.

Pero paano ko siya babalikan gayung nagsasama sila ng ex ko?

Pagpayuhan mo po ako.

Kitty

 

Dear Kitty,

Tama ka. Kung nagkasala sa iyo ang ina mo, patawarin mo siya.

Sabihin mo ang iyong pagtutol sa pagsasama nila ng ex-boyfriend mo. Kung sa kabila ng ay hindi siya pumayag na makipaghiwalay, dalaw-dalawin mo na lang siya.

Hindi kasi mainam na magkakasama ka-yong tatlo sa isang tahanan.

Dahil hindi malayong matukso kayong mag-sex ng ex mo at siguradong magiging komplikado ang pamilya ninyo.

Pero sikapin mong ipaliwanag sa ina mo ang consequence ng kanyang pakikisama sa lalaking dating sa iyo.

Mabuti ring burahin mo na ang lalaking iyan sa isip mo.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with