^

Dr. Love

May asawa ang nakarelasyon

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang worker sa aming Christian church. Hindi ako pastor pero may mga church members na lumalapit sa akin for counseling.

Tawagin mo na lang akong Baste, 22 anyos at binata pa.

Isa sa mga kina-counsel ko si Meldy na namumroblema sa magulong relasyon niya sa asawa. Natuklasan niya na may ibang pamilya ang mister niya. Lagi ko siyang ipini-pray over.

Nagkahulugan ang loob namin at may nabuong lihim na relasyon.

Nabalitaan ito ng head pastor namin at kinausap ako at sinabing tapusin ko na ang relasyong ito bago malaman ng buong kongregasyon.

Dalawa ang church service namin, isa sa umaga at isa sa hapon.

Balak kong lumipat sa afternoon service para ‘di na kami magkita. Please advice me more.

Baste

 

Dear Baste,

Dapat talaga ‘di na kayo magkita upang tuluyan nang maputol ang ugnayan ninyo. Kung may dapat mag-counsel sa nakarelasyon mo, dapat ang pastor dahil iyan ang pangunahing tungkulin niya bilang tagapa-ngalaga ng kawan.

Tapusin mo na ang ugnayan sa ka-church mo nang wala ng salita. Better just to disappear dahil malinaw naman na sa lahat ng Christian na iyan ay ipinagbabawal ng ating Diyos.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->