Bong Go, Most Outstanding and Inspiring Public Servant of the Year

MANILA, Philippines — Kinilala si Senator Christopher “Bong” Go bilang Most Outstanding and Inspiring Public Servant of the Year sa 4th Annual Asian Torch Excellence Awards na inorganisa ng Realtalk Philippines sa seremonyang idinaos sa Quezon City kamakailan.
Ang parangal ay nagbibigay-diin na ang tunay na sukatan ng serbisyo publiko ay hindi nakasalalay sa mga parangal kundi sa mga buhay na naging maayos sa pamamagitan ng seryosong serbisyo.
Sa kanyang video message na ginanap sa awarding ceremony na ginanap sa Emerald Hall ng Crowne Plaza Manila Galleria sa Quezon City noong Marso 22, binati ni Senator Go ang mga kapwa awardees kung saan ay binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tiyaga, sakripisyo, at pakikiramay sa kanilang ibinahaging paglilingkod.
Ang parangal kay Go ay tinangap ng kanyang Chief of Staff na si Angelo Villar. Ito ang ikalawang sunod na taon na ginawaran si Senator Go ng parehong karangalan.
Pinuri niya ang mga nag-organisa ng parangal, partikular na si Leo Gamel Orencia, tagapangulo at tagapagtatag ng Asian Torch Excellence Awards Council, sa pag-udyok sa mga public servant at professionals na magsumikap sa kanilang trabaho para sa iba.
Para kay Senator Go, ang parangal ay hindi lamang personal na pagkilala, kundi isang salamin ng sama-samang pagsisikap na ginawa ng mga taong tahimik ngunit taos-pusong nagtatrabaho sa paglilingkod sa iba.
- Latest