Pinoy lawyer kasama sa legal team ni Duterte

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng isang Filipino ang limang miyembro ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC) sa the Hague Netherlands.
Ito ang sinabi Vice President Sara Duterte pagkatapos bisitahin ang kanyang ama sa kanyang detention facility sa naturang bansa.
Ayon pa sa Bise Presidente, si British-Israeli abogado Nicholas Kaufman, na itinalaga bilang lead defense counsel ng kanyang ama, ay kasalukuyang nag-iinterbyu ng ilang mga batikang abogado upang sumali sa kanyang team.
Tumanggi naman ang Bise na ibigay ang mga pangalan ng kanilang defense team na binubuo ng limang abogado at posible rin magdagdag pa ng mga tauhan sa ilalim nila.
Kinumpirma naman ni VP Duterte na isang Pinoy ang isasama nila sa team bagama’t ini-interview pa aniya ito at hindi naman kailangan na accredited ng ICC.
Nilinaw pa niya na hindi siya maaaring maging bahagi ng defense team ng kanyang ama dahil kailangan niyang umuwi upang maghanda para sa kanyang nakatakdang impeachment trial at upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang Bise Presidente habang si dating executive secretary Salvador Medialdea naman ay mayroong isyung medikal.
- Latest