^

PSN Showbiz

KimPau waging Power Tandem, ABS-CBN nakasungkit ng 13 awards, BNC humakot din ng parangal sa Star Awards

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
KimPau waging Power Tandem, ABS-CBN nakasungkit ng 13 awards, BNC humakot din ng parangal sa Star Awards
Agenda host Pinky Webb, Korina Sanchez senior for VP for bilyonaryo news channel, Cheryl Favila, & executive prodocer Eddy Caringal

Tumanggap ng 13 na parangal ang ABS-CBN, kabilang ang patok na tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, sa 38th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Nasungkit naman ng FPJ’s Batang Quiapo ang Best Primetime TV Series na parangal.

Big winner din si Kim Chiu at naiuwi nito ang Best Drama Actress na parangal para sa Linlang at Female Star of the Night. Tinanggap naman ni Piolo Pascual ang Best Drama Actor na tropeyo para sa Pamilya Sagrado  pati na rin ang Male Star of the Night na parangal.

Kinilala naman si Janine Gutierrez bilang Best Drama Supporting Actress para sa Lavender Fields at Female Celebrity of the Night.

Samantala, pinangalanang Best Variety Show ang top-rating noontime show na It’s Showtime,  habang tinanggap ni Anne Curtis ang Best Female Host na parangal.

Ginawaran ang beteranong journalist na si Kabayan Noli de Castro ng Best Male Newscaster para sa kanyang husay sa pagbabalita sa  TV Patrol.

Hinirang din bilang Best New Female TV Personality ang Pinoy Big Brother Gen 11 big winner na si Fyang Smith. Samantala, ang mga host ng show na sina Alexa Ilacad, Bianca Gonzalez, Enchong Dee, Kim Chiu, Melai Cantiveros, at Robi Domingo ay itinanghal bilang Best Reality Show Host.

Binigyang pagkilala rin ang nakakakilig na tambalang KimPau nina Kim Chiu at Paulo Avelino at tinanggap ang German Moreno Power Tandem award.

Samantala, patuloy naman sa pag-abante ang Bilyonaryo News Channel na humakot din ng mga parangal sa  Star Awards for TV.

Ang programang Agenda sa pangunguna nina Korina Sanchez-Roxas at Pinky Webb ay nakakuha ng Best News Program award.

Natanggap din ni Korina ang parangal na Best Female Newscaster habang kinilala naman ang programa ni Pinky na On Point bilang Best Public Affairs Program.

Si Marie Lozano rin ay tinanghal bilang Best Lifestyle Host para sa Lifestyle Lab habang si Anton Roxas naman ay nasungkit ang Best Sports Host para sa programang The Scorecard.

Samantala, nananatiling nakatuon ang BNC sa pag-abot sa mas malawak na audience sa parehong tradisyonal at digital na platform.

Ang Bilyonaryo News Channel ay napapanood sa free-to-watch television channel na BEAM TV 31, cable television na Sky Cable 33, Cignal Channel 24, Converge 74, digital media na Cignal Play at official social media pages sa Facebook at YouTube.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with