^

Bansa

Akbayan solon sasapakin ni Sen. Bato, pumalag!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Akbayan solon sasapakin ni Sen. Bato, pumalag!
Senator Ronald “Bato” Dela Rosa chaired on September 27, 2022, the Senate committee hearing on the proposed 2023 budget of the Department of National Defense and its attached agencies and corporations.
STAR/Mong Pintolo

MANILA, Philippines — “Sasapakin daw ako ng isang Senador, sa China mo gamitin ang tapang mo!”

Ito ang mariing buwelta ni Akbayan Party­list Rep. Perci Cendaña laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos siyang pagbantaan ng huli na sasapakin umano para magpantay ang mukhang ngiwi.

“Ang tapang naman ni Kuya (Bato), sana ganyan din siya katapang laban sa China sa West Philippine Sea (WPS) at sa pagharap sa International Criminal Court (ICC),” ani Cendaña.

“O baka naman iiyak na naman siya ng crocodile tears at kakaripas ng takbo, gaya ng pagtakbo niya noon sa hawak na paputok,” parunggit pa ng solon.

Ang pagbabanta ni Bato ay kasunod ng pagbatikos ni Cendaña laban kay Vice President Sara Duterte na nahaharap sa isyu ng impeachment.

Kaugnay nito, pinahihingi ni Cendaña ng public apology si Dela Rosa sa kaniya at ­maging sa organisasyon ng Epilepsy Awareness ­Philippines.

Iginiit ni Cendaña na kaya ngiwi ang kaniyang kabilang mukha ay isa siyang ‘stroke survivor’ at hindi aniya dapat hamakin ang kaniyang kondisyon na sa kabila nito ay patuloy ang serbisyo publiko.

“(Senator) Dela Rosa must issue an immediate and unequivocal public apology. His words were not just offensive, they were demeaning and ­harmful. If he has even a shred of decency, he must take full responsibility, ­apologize directly to Rep. Perci and the broader disability community, and commit to learning from his mistake,” punto ng solon.

Aniya, ang pag-atake laban sa kaniya ni Bato ay hindi lamang basta malupit kundi isa itong insulto sa dignidad ng isang taong may kondisyon sa kalusugan.

“We call on the ­Senate and its members to hold Dela Rosa accountable. Our ­lawmakers must­ champion, not ridicule, the rights and dignity of all Filipinos—especially those living with disabilities”, ang sabi pa ni Cendaña.

 

AKBAYAN PARTY­LIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with