^

Bansa

Ako Bicol Party-List muling tatakbo sa 2025

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance ang Ako Bicol Party-List upang ipagpatuloy ang mga programang isinusulong nito sa Kongreso.

Pinangunahan nina Ako Bicol Party-List Congressman Zaldy Co at Alfredo ‘Pido’ Garbin ang paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections noong Lunes.

Sa isang pahayag, iniulat nila kung saan dinala ang mga proyektong nakuha ng Ako Bicol Party-List sa mga nakalipas na taon.

Kabilang dito ang pagpapagawa ng mga lansangan at tulay, ospital, school buildings, solar street lights, solar-powered water and irrigation projects, pabahay, trabaho sa mga disadvantaged workers, at mga ayuda tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations, medical assistance for indigent patients at Ayuda sa Kapos ang Kita Program.

Isinusulong din ng Ako Bicol ang transparency at tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Kasama dito ang paghihikayat kay Vice President Sara Duterte-Carpio na dumalo sa mga pagdinig sa Kongreso upang ipaliwanag sa taumbayan kung papaanong ginastos ang budget at confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education na noo’y pinamumunuan ni Duterte.

vuukle comment

AKO BICOL PARTY-LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with