40K pulis ipinakalat sa Kapaskuhan
MANILA, Philippines — Nasa 40 pulis ang ipinakalat sa buong bansa upang matiyak na ligtas ang mga bus terminals, seaports, at airports kasabay ng inaasahang dagsa ng mga pasahero gayundin ng mga mamimili at masikip na daloy ng mga sasakyan dulot ng Christmas exodus.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, layon ng nasabing bilang ng mga pulis na masiguro ang kaligtasan ng publiko gayundin ng mga vital installations sa buong bansa habang nagdiriwang ng Kapaskuhan.
“Kasama na po dyan sa mga places of worship, doon sa mga pantalan, terminal, at airport po in coordination of course doon sa mga management ng mga terminals na ito to make sure na ma-maintain po natin ‘yung ating police visibility and presence sa buong araw po,” ani Fajardo.
Sa ngayon aniya, wala pa namang namomonitor na anumang mga untoward incident habang papalapit ang Pasko.
Malaking tulong aniya ang paglalagay ng mga police assistance desks upang agad na matugunan ang pangangailangan ng publiko.
Nabatid kay Fajardo na katuwang din ng PNP ang Bureau of Fire Protection at maging ang Armed Forces of the Philippines.
Payo ni Fajardo sa publiko na i-save ang telephone numbers ng pulis para sa agarang responde.
- Latest