^

Bansa

Ugnayan ng Pinas at Saudi palalawakin pa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia upang saklawin ang iba pang mga larangan ng kooperasyon, habang patuloy na pinapalakas ang matagumpay na pagtutulungan ng dalawang bansa.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa farewell call ni Saudi Arabia Ambassador Hisham Sultan Abdullah Alqahtani.

Naniniwala si Marcos na magiging matibay ang ugnayan ng dalawang bansa at patuloy na  magpapatuloy ang  kanilang nasimulan.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, ang mga pag-uusap nila ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman Al Saud at iba pang mga opisyal ay tumalakay sa mga pinakamahalagang isyu.

Pinahalagahan din ng Pangulo ang posisyon ng Saudi Arabia sa Organization of Islamic Cooperation (OIC), na aniya ay nakatulong sa mga pagsisikap para sa kapayapaan sa Mindanao.

Samantala, ipinaabot naman ni Ambassador Alqahtani ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Marcos sa pagtanggap sa kanya bago ang kanyang pag-alis at  inilarawan niyang isang malaking tagumpay ang kanyang tatlong taon at kalahating pagganap bilang embahador sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia.

Binanggit din ni Alqahtani na naging mahalagang bahagi ng pag-unlad ng Saudi Arabia ang mga Pilipino, lalo na sa nakalipas na 40 taon.

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with