^

Bansa

Pinoy skilled workers kailangan sa Saudi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinoy skilled workers kailangan sa Saudi
Construction workers are busy installing steel posts on top of a building along F. Torres Street in Santa Cruz, Manila on November 11, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR)

MANILA, Philippines — Mangangailangan ang Saudi Arabia ng mga skilled na manggagawang filipino.

Sa fairwell call ni Saudi Arabia Ambassador Hisham Sultan Abdullah Alqahtani kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpasalamat siya dahil sa pagtanggap at inilarawan na isang tagumpay ang pananatili sa Pilipinas sa loob ng tatlong kalahating taon bilang ambassador.

Masaya ring ibinalita ni Alqahtani na dahil magho-host ng World Cup ang Saudi Arabia sa 2030, mangangailangan ang kaharian ng mga skilled na manggagawang Pilipino.

Partikular sa mga proyektong mega sa Jeddah at hilaga ng Saudi Arabia, tulad ng Red Sea at mga  rail at line projects.

Ayon naman kay Pangulong Marcos, maaari nilang ipadala ang mga manggagawa hangga’t may sapat na pondo at lakas-paggawa ang Pilipinas.

Kahit aniya may matinding kompetisyon sa buong mundo, may kalamangan pa rin ang mga Pilipino bilang mga manggagawa.

Sa mga pinakahu­ling datos, may halos isang milyong Pilipino na naninirahan o nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with