Comelec, 2 halalan ang aasikasuhin sa 2025
MANILA, Philippines — Dahil sa desisyon ng Supreme Court na nagdeklarang labag sa Konstitusyon ang pagbabago ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, dalawang halalan na ang aasikasuhin ng Comelec sa 2025 —ang BSKE at ang National and Local Elections.
Sinabi ng Comelec na halos 95% na silang handa sa pagdaraos ng BSKE sa Oktubre at ang pag-iimprenta na lamang ng mga balota ang tatapusin.
Matatandaan na sinabi noon ni Garcia na hindi naman makakatipid ang pamahalaan sa paglilipat ng BSKE mula Disyembre 2022 sa Oktubre 2023 at bagkus ay lalaki pa ang gastos dahil sa madaragdagan ang mga botante na magpaparehistro kaya mas mangangailangan ng dagdag na mga balota at mga presinto.
“Ibig sabihin kahit i-postpone ‘yung barangay and sk elections, pinostpone mo lang ‘yung panahon ng pagho-hold nito pero hindi po napostpone ‘yung gastos na ‘yon, meaning ‘yun pa rin ‘yung amount; in fact madaragdagan dahil magkakaroon ng pagpapatuloy ng pagpaparehistro ng mga botante natin,” saad noon ni Garcia.
“Hopefully, maging maliwanag din sa amin, kung mabibigyan kami ng tamang budget, kung pwede namin ma-automate na ang barangay and SK elections sa 2025,” dagdag pa ni Garcia.
Samantala, tuloy naman ang paghahain ng certificates of candidacy na nakatakda sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2.
- Latest