5% discount sa tubig kuryente ng seniors, itinulak
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senador Lito Lapid ang 5% diskwento para sa unang 150 kilowatt hours nang nakunsumong kuryente ng mga senior citizens.
Sa Senate Bill 2169 ni Lapid, bukod sa kuryente nais din nito na mabigyan ang mga seniors ng 5% discount sa unang 50 cubic meters na nakunsumo sa tubig at exemption mula sa value-added tax (VAT).
Paliwanag niya, karamihan sa mga senior citizens ay may fixed income at nahihirapang magbayad sa kanilang bayarin tulad ng ilaw at tubig.
Kaya ang pagbibigay umano ng diskwento dito ay makakatulong sa bigat ng kanilang mga bayarin.
Ang pagbibigay rin umano ng diskwento sa mga senior citizens sa ilaw at tubig ay bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa lipunan at pagpapasalamat sa kanilang kasipagan at dedikasyon sa mga nakalipas na taon.
Iginiit pa ni Lapid na sa ganitong paraan ay mapapasigla nila ang local economy dahil magagastos nila ang kanilang ipon sa local goods at services na magdudulot ng trabaho at kita para sa mga negosyante.
- Latest