^

Bansa

200K PWDs nakinabang sa cash-for-work program ng DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
200K PWDs nakinabang sa cash-for-work program ng DSWD
File photo shows a PWD in crutches. For many PWDs, mobility is the main problem holding them back.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umaabot sa 200,000 PWDs ang nakinabang sa cash-for-work program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinawag na “BUHAYnihan”

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, ang programa ay la­yong bigyan ng kaukulang tulong ang mga PWDs para may panggastos sa kanilang pangangaila­ngan sa araw-araw.

“Umabot din ‘yon ng halos ilang bilyon. One-point-something billion na kinuha po namin doon sa tinatawag namin na Kalahi-CIDSS program, ‘yung Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan program po namin,” sabi ni Tulfo

Anya, ang bawat PWD ay may ibat ibang halaga na natanggap depende sa araw ng kanilang trabaho.

“Kung may iba na tatlong araw pinagtrabaho po natin, which tumanggap po ng P3,300, ‘yung iba naman po inabot ng P4,000, kaya hindi po pare-pareho ‘yung paggawa. ‘Yan po eh diyan namin hinugot po ‘yan eh sa community-driven program. So, pasok po sila dyan,” dagdag ni Tulfo.

Sinabi Tulfo na ang BUHAYnihan concept ay mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with