^

Bansa

410,000 nawalang trabaho sa bansa nabawi nitong Mayo sa gitna ng pandemya

James Relativo - Philstar.com
410,000 nawalang trabaho sa bansa nabawi nitong Mayo sa gitna ng pandemya
Nagpapahinga saglit ang manggagawang ito sa Lungsod ng Caloocan noong Mayo 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Dumami ang bahagdan ng populasyon na nabawi ang nawala nilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic nitong Mayo, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Statistics Authority.

Nasa 3.73 milyong katao kasi ang naitalang walang trabaho o negosyo nitong Mayo 2021, bagay na mas mababa sa 4.14 milyon noong Abril.

"Ang unemployment rate ay naitala sa 7.7 percent nitong Mayo 2021. Ito ay mas mababa kumpara sa naitala noong Abril 2021 na 8.7 percent," ayon sa pahayag ng PSA ngayong Huwebes.

Gayunpaman, mas marami pa rin ang walang trabaho ngayon kumpara sa 3.44 milyon na jobless noong Marso.

Ilang mahahalagang numero:

  • employed o may trabaho/negosyo (44.72 milyon)
  • employment rate (92.3%)
  • underemployed o hindi sapat ang trabaho batay sa kakayahan (5.49 milyon)
  • underemployment rate (12.3%)
  • nasa "labor force" o na pinagsamang employed at unemployed (48.45 milyon)
  • bahagi ng labor force na nagtratrabaho ngayon (64.6%)

Mas mataas ngayon ang porsyento ng mga lalaking nasa labor force na may trabaho o negosyo (76.1%), kumpara sa mga babae (52.9%).

"Nitong Mayo 2021, 7.7 percent ng mga kalalakihan na nasa labor force ang walang trabaho o negosyo. Ito’y bahagya lamang mataas sa unemployment rate ng mga kababaihan na nasa 7.6 percent," patuloy ng PSA.

COVID-19, oras ng trabaho dahilan kaya 'di makapagtrabaho

Bagama't employed ang mas marami sa ngayon, may ilang dahilan pa rin kung bakit hindi sila makapagtrabaho o negosyo ngayon. Pangunahin diyan ang:

  1. paiba-ibang oras ng trabaho/nature ng trabaho
  2. ECQ/lockdown/COVID-19 pandemic
  3. dahilang medikal o pangkalusugan
  4. iba pang dahilan
  5. personal o dahilang pampamilya

Nakuha ng PSA ang mga nasabing datos matapos ma-survey ang nasa 34,034 katao 15-anyos pataas sa 11,033 kabahayan nitong Mayo.

Matatandaang marami ang nawalang trabaho at nagsarang establisyamento simula nang manalasa ang COVID-19 sa Pilipinas, dahilan para umabot sa 15-year record high ang unemployment nitong 2020 sa 10.3% na katumbas ng 4.5 milyong Pilipino.

Ayuda sa gitna ng unemployment

Dahil dito, ipinapanawagan sa ngayon ng Kilusang Mayo Uno at iba pang progresibong grupo ang P10,000 ayuda para sa manggagawang Pilipino upang makaagapay sa malaking bilang ng walang trabaho sa ngayon. Wala pa namang panibagong ayudang ibinibigay ang gobyerno sa ngayon.

Martes lang nang sabihin ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na "tinutulugan" ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 3, na magagamit daw sana para makapagdala ng kinakailangang ayuda para sa mahihirap sa ngayon.

"As earlier exposed by Anakpawis partylist, the Duterte administration is spending USD$2.43 billion or P118 billion arms deal with the US, yet, it continues to turn a deaf ear on the funding needs for the Bayanihan 3," ani Zarate.

"If this P118 billion is instead used to fund the Bayanihan 3, then more Filipinos would benefit from it. This amount is already around 30% of the ayuda packages of  Bayanihan 3 and would even go a long way in boosting our economy."

Ayon sa militanteng mambabatas, kung matalinong gagamitin ang P118 bilyon, kakayanin nang pondohan ang lagpas kalahati ng P216 bilyong kailangan para mabigyan ng P2,000 ayuda ang bawat Pilipino (kahit na anuman ang social status). Kakayanin na rin daw agad maibigay ang P1,000 unang tranche ng cash aid na ito sa lahat ng mga Pinoy.

BAYAN MUNA

BAYANIHAN

BUSINESS

CASH AID

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

UNEMPLOYMENT

WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with