^

Bansa

Kung maghahain ng kandidatura: Alice Guo tatambakan ng mas maraming kaso

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kung maghahain ng kandidatura: Alice Guo tatambakan ng mas maraming kaso
Alice Leal Guo (C), former mayor of Bamban in Philippine's Tarlac province accused of human trafficking and links to Chinese organized crime, is escorted to a press conference in Manila on September 6, 2024, after being deported following her arrest in Indonesia on September 3. Alice Leal Guo, a former mayor of a town north of the capital Manila, has been on the run since she was linked to a Chinese-run online gambling centre where hundreds of people were forced to run scams or risk torture.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Nagbabala si Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na mas marami pang kakaharaping kaso si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo o Guo Hua Ping sa sandaling maghain siya ng kanyang kandidatura para sa Eleksyon sa susunod na taon.

Ayon kay Hontiveros, maaaring makagawa ng material misrepresentation si Guo Hua Ping sa sandaling maghain siya ng certificate of candidady (COC) at ideklara na isa siyang Pinoy na isang malaking kasinungalingan naman.

Paliwanag pa ng Senadora ang COC ay isang mahalagang dokumento na pinanunumpaan kaya kung magpipilit aniya si Guo Hua Ping sa kanyang kasinu­ngalingan ay maa­aring ma­dagdag ang kasong perjury laban sa kanya.

Binuweltahan din ni Hontiveros si Guo dahil sa aniya ay wala pa rin tigil na panloloko sa taumbayan kahit na siya ay nasa loob ng kulungan.

Sinabi naman ni Sen. Win Gatchalian, dapat ipa­tupad agad ng Comelec ang kaukulang legal na pa­raan para madiskwalipika si Guo sa pagtakbo sa dara­ting na halalan.

Giit ni Gatchalian, ang planong pagtakbo ni Guo Hua Ping na kilala rin bilang Alice Guo sa pampublikong posisyon ay hayagang pagtatangka na sirain ang mga batas ng bansa.

Ang reaksyon ng mga Senador ay ginawa matapos ipahayag ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na maghahain ang kanyang kliyente ng COC sa susunod na linggo para tumakbo sa pagka alkalde ng Bamban, Tarlac.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with