^

Bansa

Enrile, Reyes at Napoles abswelto sa Plunder

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Enrile, Reyes at Napoles abswelto sa Plunder
Ang hatol na ipinalabas kahapon ng Sandiganbayan Third Division ay ginawa makaraan ang 10 taon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Senador at ngayon ay Presidential legal Counsel Juan Ponce Enrile kaugnay ng kinakaharap na kasong pandarambong na may kinalaman sa Pork Barrel Fund Scam.

Ang hatol na ipinalabas kahapon ng Sandiganbayan Third Division ay ginawa makaraan ang 10 taon.

Bukod kay Enrile, inabswelto rin ng Sandiganba­yan sa kasong Plunder ang chief of staff ni Enrile noong siya ay Senate president pa na si Jessica ‘Gigi’ Reyes at maging ang negosyanteng si Janet Lim Napoles na sinasabing utak ng PDAF Scam.

Ayon sa 3rd Division ng Sandiganbayan, bigong patunayan ng prosekusyon sa pamamagitan ng mga ebidensya na sangkot si Enrile sa kasong Plunder.

Dahil sa pagkaabswelto dito ay Lifted na ang nakalabas na Hold Departure Order laban kay Enrile at Reyes.

Sa panig ni Napoles ay patuloy itong makukulong dahil sa Conviction sa mga naunang kaso na ipinataw sa kanya ng Korte.

Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y maanomal­yang paggamit sa P172-milyon halaga ng Priority Development Assistance Fund noon ni Enrile na idinaan sa mga bogus na NGOs ni Napoles.

vuukle comment

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with