^

Bansa

Jobless Pinoys sumipa sa 4.2 milyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Jobless Pinoys sumipa sa 4.2 milyon
Ayon kay National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, base sa isinagawang Labor Force Survey, lumobo ito ng 4.2 milyon o 8.8 percent na mas mataas sa 4 milyon o 8.7% noong nakalipas na Enero.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 4.2 mil­yon ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong February 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ayon kay National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, base sa isinagawang Labor Force Survey, lumobo ito ng 4.2 milyon o 8.8 percent na mas mataas sa 4 milyon o 8.7% noong nakalipas na Enero.

Tumaas naman ng 1.9% ang mga mayroong trabaho o negosyo noong Pebrero na umakyat sa 43.2 milyon mula sa 41.2 milyon noong Enero 2021.

Ang underemployed naman noong Pebrero 2021 ay tumaas sa 7.9 milyon kumpara sa 6.2 milyon noong Enero.

Sabi ni Mapa, sa mga pangunahing sektor, ang services sector pa rin ang nanatiling may pinakamalaking bahagi ng populasyon na may trabaho o negosyo na nasa 58.4% na sinundan ng sector ng agrikultura na nasa 23.9 percent.

Mas mataas naman ang  labor force parti­cipation rate ng mga lalaki na may 76% kum-para sa kababaihan na 50.9% noong Pebrero.

Ang pagpapatuloy ng COVID-19 pandemic pa   rin ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nakapagtrabaho at nakapagnegosyo ang mga Filipino noong buwan ng Pebrero.

vuukle comment

DENNIS MAPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with