‘Mystery assassin’ pinahuhubaran
MANILA, Philippines — Nais ng isang mambabatas na masusing imbestigahan ang sinasabing ‘mystery assassin’ na kinontrata umano ni Vice President Sara Duterte upang paslangin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
“We must ascertain who this ‘mystery assassin’ is. Is this individual part of the Vice President’s trusted security detail, a member of the notorious syndicate, or a hired gun?,” tanong ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores.
Sinabi ni Flores na dahil sa pagsasabi ni VP Sara na personal siyang nakipagkomunikasyon sa nasabing hitman na pumayag sa kaniyang direktiba ay nangangahulugan na malapit ito sa kaniya, maayos ang relasyon at pinagkakatiwalaan.
“With the Vice President’s own admission, which she stressed ‘is no joke,’ and the fact that she is the primary beneficiary should the president be killed, VP Sara must be considered a person of interest,”punto nito.
Ipinarerebisa rin ng mambabatas ang Vice Presidential Security Group (VPSG) na itinatag ilang araw bago lisanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Malacañang.
- Latest