^

Bansa

Pahayag vs Marcos Jr., ‘maliciously taken out of logical context’ – Sara

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Vice President Sara Duterte na ang naging pahayag niya laban kina Pang. Ferdinand Marcos Jr. ay ‘maliciously taken out of logical context.’

Ito ang sinabi ni Duterte sa isang open letter na inilabas niya kahapon sa kanyang social media accounts, kasunod ng pahayag ng National Security Council (NSC), na ang lahat ng banta laban sa Pangulo ay iba-validate at ikukonsiderang ‘matter of national security.’

“This is in response to the statement made by the National Security Adviser speaking for the National Security Council dated 24 November 2024,” aniya, “National security pertains to the protection of our ­sovereignty, the safety of the Filipino population, and the preservation of our democratic institutions. The function of the National Security Council is confined to the formulation of policies in furtherance of such pursuits,” pahayag ni VP Sara.

Humingi rin siya ng kopya ng notice of meeting ng konseho. ­Hiniling rin niya sa NSC na sa kanilang susunod na pulong ay talakayin ang mga banta sa bise presidente, sa institusyon ng Office of the Vice President at mga tauhan nito.

Aniya, wala siyang natatandaan na nakatanggap ng notice ng pulong simula noong Hunyo 30, 2022 o simula nang maupo siya sa pwesto bilang bise presidente, kahit pa siya ay miyembro ng konseho.

Nauna rito, sinabi ni Duterte. A kumausap na siya ng tao na papatay kina Pang. Marcos, sa kanyang maybahay na si First Lady Liza Araneta-Marcos at kay Romualdez, sakaling matuloy ang pagpapatay sa kanya.

Nilinaw naman ni Duterte na ang pahayag na kanyang ginawa ay hindi pagbabanta, kundi pagpapahayag ng pangamba para sa kanyang kaligtasan.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with