^

Bansa

Umento sa sahod ng gov’t employees iniapela sa SC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Umento sa sahod ng gov’t  employees iniapela sa SC
Kasama ni Andaya ang may 50 government employees mula sa executive at sa legislative sa paghahain ng class suit.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hiniling sa Korte Suprema  ni House of Representatives Majority Leader Rolando Andaya, Jr. kasama ang may 50 government employees na atasan ang  Department of Budget and Management na ipalabas na ang ikaapat na tranche ng umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno. 

Kasama ni Andaya ang may  50 government employees mula sa executive at sa legislative sa paghahain ng class suit.

Matatandaang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na walang legal na basehan na ipalabas ang ikaapat at huling pagtataas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno  dahil hindi pa naman naipapasa ng Kongreso ang  2019 budget. 

Nabigo umano ang mga mambabatas na aaprubahan ang P3.7-trilyon budget bago mag Christmas break dahil sa mga ginawang insertion ng  budget department.

Gayunman, iginiit ni Andaya na ang P100-bilyon pondo sa  miscellaneous personnel benefits fund noong 2018 budget ay sobra pa para maibigay ang elP42.7-bilyon halaga ng salary increase.

Nalaman na may 1 milyong empleyado ng gob­yerno ang apektado kung hindi maibibigay ang dagdag na suweldo ngayon (Enero15).

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Diokno na ipa­tutupad ng retroactive ang dagdag na sahod sa sandaling maaprubahan ang  2019 General Appropriations Act of 2019 sa Pebrero.

vuukle comment

JR.

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

ROLANDO ANDAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with