^

Bansa

2 kelot na sangkot sa droga hinatulan na sa Parañaque RTC

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang kalalakihan na sangkot sa droga ang hinatulan ng habang buhay at 12 hanggang 17-taong pagkabilanggo kahapon ng hapon ng Parañaque City Regional Trial Court (RTC).

Pasado alas-3:00 kahapon ng hapon nang hatulan ni Judge Jansen Rodriguez, ng Parañaque City RTC Branch 259 ang mga akusadong sina Ervin Puson-Abueva at Jerome Regonios, kapwa nasa hustong gulang.

Si Abueva ay hinatulan ng Reclucion Perpetua o habang buhay na pagkakulong dahil sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs.

Samantalang si Regonios naman ay hinatulan naman ng 12 hanggang 17-taong pakakulong dahil naman sa kasong paglabag din sa Section 11, RA 9165.

Nabatid na dahil sa mga isinumiteng ebidensiya laban sa mga akusado, positibong nagkasala ang mga ito sa batas hinggil sa pagbebenta at pagdadala ng droga.

Kung kaya’t guilty ang naging hatol sa kanila ni Judge Rodriguez.

Nakatakdang ilipat sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang naturang mga akusado.

PARAñAQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with