^

Bansa

Andanar pinagsosori

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinondena kahapon ng mga mamamahayag na nagko-cover sa Senado ang akusasyon ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na binayaran umano ng $1,000 ang ilan sa mga dumalo sa isang pulong-balitaan ni SPO3 Arthur Lascañas na nagkumpirma na totoo ang Davao death squad (DDS) at mismong si dating Davao mayor at ngayon ay Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang nasa likod nito.

Nagpalabas ng isang pahayag ang mga miyembro ng media sa Senado kung saan tinawag nilang walang batayan at ires­ponsable ang pahayag ni Andanar.

“Kaming mga broadcast, online at print journalist na nagkokober sa Senado ay nagpoprotesta sa walang batayan at ires­ponsableng pahayag ni Press Secretary Martin Andanar na ang mga reporter ay binigyan ng tig-$1,000 bawat isa para ikober ang pulong-balitaan ng umano’y dating lider ng Davao Death Squad na si Arthur Lascanas ngayong umagang ito,” pahayag ng Senate media.  

Hinamon pa na ng mga miyembro ng media si Andanar na patunayan na totoo ang kanyang akusasyon at kung hindi niya ito magagawa ay maglabas siya ng isang public apology dahil sa pagpapakalat ng isang pekeng balita.

“Sa aming kaalaman, walang ganitong insidente. Hindi hinahayaan ng mga Senate reporter ang ganitong gawain. Hinihingi namin sa Kalihim na patunayan ang kanyang akusasyon dahil ang ganitong pahayag ay sumisira sa aming mga kredibilidad at kinauukulang media entities.

Kung hindi, kailangang humingi ng paumanhin si Secretary Andanar dahil sa pagpapakalat ng pekeng balita,” sabi pa ng mga mamamahayag.

 Pinaalala rin ng mga mamamahayag na dating miyembro ng industriya si Andanar.

Samantala, mariin ring itinanggi ni Senator Antonio Trillanes na nagbigay siya ng $1,000.

Tinawag din ni Trillanes na iresponsable ang na­ging pahayag ni Andanar na hindi dapat ginagawa ng isang miyembro ng Gabinete.

Naniniwala rin ang senador na inililigaw lamang ni Andanar ang totoong isyu tungkol sa isinagawang pagbubunyag ni Lascanas.

vuukle comment

ANDANAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with