Drug war extension sinuportahan
MANILA, Philippines – Binigyan katuwiran ng tatlong kongresista ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawagin pa ng anim na buwan ang ‘self-imposed’ deadline nito para mahinto ang talamak na droga sa bansa.
Suportado nina Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, Deputy speakers Ferdinand Hernandez at Frederick Abueg ang kahilingan ni Duterte na bigyan pa siya ng panahon para tuparin ang kanyang pangako noong tumatakbo siyang pangulo ng bansa na susupilin ng kanyang administrasyon ang talamak na krimen at droga sa loob ng tatlo-anim na buwan.
Samantala, ikinagalak kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa ang karagdagang anim na buwan na ibinigay ng Pangulo sa anti-drug operatives upang tuldukan ang malalang problema sa droga ng bansa. Aniya, makakabuti ito upang mapalakas pa ang all-out war kontra droga.
Sa tala ng PNP mula Hulyo 1- Setyembre 19, may 1,152 pushers ang napapatay, 18,616 operasyon ang naisagawa, 17, 759 drug pushers ang naaresto habang 715, 393 drug users at pushers na ang sumuko sa ilalim ng PNP Oplan Tokhang.
- Latest