^

Bansa

Lando victims kumakapit na sa ‘5-6’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinalampag kahapon ng isang senador ang gobyerno na patuloy na tulungan ang mga naging biktima ng bagyong Lando na mas nagigipit pa dahil sa napipilitang umutang sa 5-6 o mga tinatawag ring “loan shark”.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, hindi dapat na mapagsamantalahan pa ng mga “informal lenders” na nagpapataw ng malaking interes ang mga kaawa-awang magsasaka matapos suyurin ng bagyong Lando ang mga sakahan sa mga lalawigan, partikular sa Aurora nitong nakaraang linggo. 

Sa kanyang isinumiteng resolusyon, sinabi ng senador na dahil sa matinding pinsalang sinapit ng agrikultura dahil sa bagyo, kumapit sa patalim ang mga maliliit na magsasaka at kumagat sa tinatawag na “5/6” maka­bawi lamang sa nagdaang kalamidad. 

Kinokonsiderang pina­kamatinding bagyong humagupit sa bansa nga­yong taon si Lando na umabot sa P9.8 bilyon ang winasak na agrikultura at imprastraktura habang mahigit P8 bilyon naman sa mga pananim at livestock, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa paniwalang ma­kababawi sa mga tinamong pinsala sa bukirin, lumalapit umano  ang mga magsasaka sa informal lenders at pumayag na patubuan nang hanggang 25 porsyento kada buwan ang kanilang inutang.

“Matagal na nating problema ito sa sektor ng agrikultura. Walang paraan upang makaabot sa mga legal na pautangan ang ating mga magsasaka kaya’t lumalapit sila sa mga mapagsamantalang lenders. Malaki nga naman ang nawala sa kanila dahil sa mga ganitong kalamidad kaya’t ma­ngungutang sila kahit pa napakalaki ng interes. Iniisip kasi nila na ma­kababawi sila kahit paano,” ani Angara na tubong Aurora.

Iginiit ni Angara sa Department of Agriculture na maglunsad ng kanilang credit facility o pautangan na tinawag na Agriculture and Fisheries Financing Program para sa humigit-kumulang 40,000 magsasaka sa pinakamahihirap na lalawigan sa bansa.

ACIRC

AGRICULTURE AND FISHERIES FINANCING PROGRAM

ANG

ANGARA

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

IGINIIT

LANDO

MGA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

SONNY ANGARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with