^

Bansa

CGMA pinayagan ng Sandigan para dumalaw sa kapatid na may sakit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan kahapon ng Sandiganbayan First Division ang mosyon ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo na madalaw ang may sakit na kapatid na naka-confine sa Makati Medical Center.

Limang oras na furlough ang naibigay kay CGMA ng Sandiganbayan para madalaw ang kapatid na si Arturo Macapagal sa naturang pagamutan mula alas-3 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi ngayong Martes August 11.

For humanitarian consideration ay naaprubahan ng graft court ang hiling ni CGMA para makita at madalaw ang may sakit nitong kapatid sa naturang pagamutan na may stage 4 prostate cancer.

Bago ito, pinayagan ng Sandiganbayan si da­ting Comelec chairman Benjamin Abalos na makapunta sa Singapore noong August 5- 12 upang magpagamot.

Si Abalos ay kapwa akusado ni Mrs. Arroyo sa kontrobersiyal na $329-million ZTE-National Broadband Network (NBN) deal noong 2007.

Si CGMA ay nananatiling naka-hospital arrest sa Veterans Medical Center sa QC dahil sa kasong graft at plunder dahil sa ZTE deal at sa maling paggamit ng pondo ng PCSO samantalang si Abalos ay pansamantalang nakakalaya dahil sa bisa ng kanyang nailagak na piyansa sa graft court kaugnay ng naturang kaso.

 

ARTURO MACAPAGAL

BENJAMIN ABALOS

GLORIA ARROYO

MAKATI MEDICAL CENTER

MARTES AUGUST

MRS. ARROYO

NATIONAL BROADBAND NETWORK

PAMPANGA REP

SANDIGANBAYAN

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

SI ABALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->