^

Bansa

SAF 44 nakapag-text pa sa pamilya sa gitna ng labanan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Sen. Ralph Recto na padaluhin sa Senado ang pamilya ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na minasaker sa Mamapasano, Maguindanao upang magbigay linaw sa mga huling sandali ng kanilang mga pinaslang na kamag-anak habang kausap nila ito sa cellular phones.

Ayon kay Recto, may mga SAF men na na­ka­usap ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng text at tawag kung saan ang iba sa kanila ay nanghingi pa ng load.

“The embattled SAF men were talking and texting to their relatives. Yung iba doon humihingi pa ng cellphone load sa kanilang mga kamag-anak,” ani Recto.

Naniniwala si Recto na makakapagbigay linaw ang mga kamag-anak ng SAF 44 dahil sila ang nakausap ng mga biktima sa huling oras ng kanilang buhay.

“Meron pang isang SAF, perhaps sen­sing the desperateness of the situation, sinamahan ng kanyang nanay sa pag-ro-rosaryo,” ani  Recto.

May mga umapela pa umano at nakiusap sa kanilang mga kamag-anak na makiusap sa mga matataas na opisyal para magpadala ng reinforcement.

“There were many who were pleading with their friends, relatives to convey to their higher ups their need to be reinforced and extracted, which unfortunately did not happen,” ani Recto.

Mayroon din ani­yang mga kamag-anak na ma­kakapagpatunay na naka­katanggap pa siya ng text dakong alas-2 at alas-3 ng hapon.

“May ibang kamag-anak na nagsasabi na 2 or 3 PM nakakatanggap pa sila ng text, contrary to reports that the firefight ended noon of January 26,” ani Recto.

Naniniwala si Recto na walang halong pulitika ang magiging pahayag ng mga kamag-anak ng SAF 44 kapag humarap sila sa hearing sa Senado.

“We need honest words, unblemished by political bias, that can take place only between the closest of kin,” ani Recto.

Gagawin ang imbestigasyon ng Mamasapano massacre sa Pebrero 9 at 10.

ANAK

KAMAG

NANINIWALA

RALPH RECTO

RECTO

SENADO

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with