^

Bansa

Pag-angkas ng mga bata sa motorsiklo hihigpitan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa halip na tuluyang ipagbawal ang pag-aangkas ng mga bata sa motorsiklo, isinulong kahapon sa Senado na payagan lamang na makaangkas ang mga bata na aabot na ang paa sa tapakan at maari ng yumakap sa nagmamaneho ng sasakyan.

Sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Public Services, iginiit ng kinatawan ng Motorcycle Philippines Federation at Safe Kids Philippines na magkaroon na lamang ng pamantayan sa pag-aangkas ng mga bata.

Tinalakay ng komite ang Senate Bills 4 at 47 na naglalayong ipagbawal ang pag-aangkas ng mga bata na wala pang 12-anyos at mga bata na edad 7 pababa.

Pero ayon kay Arturo Sta. Cruz, spokesperson ng Motorcycle Philippine Federation, suportado nila ang pag-aangkas ng mga bata na ang paa ay abot na sa “foot peg”.

Ayon naman kay Jesus dela Fuente, executive director ng Safe Kids Philippines, hindi maaring ma­ging basehan ang edad sa pagbabawal sa pag-angkas sa motorsiklo.

Dapat din aniyang tingnan ang laki ng bata na kalimitang iniaangkas ng kanilang mga magulang kapag inihahatid sa eskuwelahan.

ARTURO STA

BATA

MOTORCYCLE PHILIPPINE FEDERATION

MOTORCYCLE PHILIPPINES FEDERATION

PUBLIC SERVICES

SAFE KIDS PHILIPPINES

SENATE BILLS

SENATE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with