^

Bansa

COC filing umarangkada, pero matumal pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
COC filing umarangkada, pero matumal pa
City councilor Gerald Galang, 31 years old, the youngest House of Representatives aspirant so far, is accompanied by his family as he files his certificate of candidacy (CoC) for representative in the city of Valenzuela at the Comelec-NCR office in San Juan City on October 1, 2024.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang filing ng Certificates of Candidacy (COC) para sa nalalapit na May 2025 National and Local Elections (NLE) sa bansa.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, base sa isinagawa nilang monitoring sa sitwasyon ay naging maayos at mapayapa naman ang unang araw ng paghahain ng kandidatura para sa midterm polls.

Gayunman, matumal pa aniya ito dahil marami pa ang nakikiramdam habang sa ibang araw pa planong maghain ng COC ng ibang kandidato.

“Sa monitoring natin sa buong NCR, sa ibang parte ng ating bansa, maayos ang nagiging filing ng COC,” ani Garcia, sa isang ambush interview.

Tiniyak din naman ni Garcia na sapat ang ipinatutupad nilang seguridad sa COC filing sa iba’t ibang lugar.

Nabatid na isinagawa ang COC filing mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Sa pagka-senador, kabilang sa mga unang naghain ng kandidatura sina Wilbert Lee, incumbent Agri party-list representative; David Chan, sustainability advocate; Ale­xander Encarnacion na isang electrician-carpenter; Joey Montemayor, na dating presidential candidate; Felipe Fernandez Montealto Jr., 44, na pinakabata umanong senatorial aspirant; Janice Padilla, dating teacher at scholarship coordinator at Sen. Francis Tolentino.

Para naman sa party-list, naghain ng kandidatura ang Bumbero ng Pilipinas at Kabayan.

Sa congressional race naman, nakapaghain na ng kandidatura si House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Ilang kandidato na rin sa local positions, kabilang na ang pagka-gobernador, bise-gobernador, pagka-alkalde, bise alkalde at konsehal ang naghain ng kanilang kandidatura.

Magtatagal ang COC filing hanggang sa Oktubre 8, 2024.

ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with