^

Bansa

Pulse Asia: ‘Strong support’ ng madlang pipol, pinasalamatan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng lubos na pasasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa sambayanang Pilipino sa patuloy na pagtitiwala at malakas na suporta sa kanya matapos siyang mailagay sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador sa pinakabagong survey ng Pulse Asia para sa 2025 midterm elections.

Ayon sa resultang inilabas ng Pulse Asia na isinagawa mula Setyembre 6 hanggang 13, nasa ika-4 hanggang ika-9 na puwesto si Go, kung saan 40.3% ng mga botante ang nagsabing isa siya sa senatorial choices na kanilang iboboto sa darating na halalan.

Bilang tugon sa pinakahuling nume­rong ito, ibinahagi ni Go ang kanyang pagpapahalaga sa tiwala na ibinigay sa kanya sa pagsasabi pang ang hindi natitinag na paglilingkod sa bayan, lalo sa mahihirap, ay kanyang ipagpapatuloy.

Binigyang-diin pa niya na mananatiling matatag ang kanyang serbisyo publiko, lalo sa mga pinakabulnerableng Pilipino.

Ang tungkulin ni Go bilang chairperson ng Senate committees on health, on sports, and on youth ay nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang isang kampeon para sa kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino.

Kilala siya sa kanyang mga pangunahing hakbang, kinabibilangan ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Sa survey ng OCTA na isinagawa mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2, si Go ay nasa ika-3 hanggang ika-6, sa nakuha niyang 49% voters preference.

 

vuukle comment

PULSE ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with