^

Bansa

Seniors pinahalagahan ng partylist solon sa Elderly Filipino Week

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa paggunita ngayon Oktubre ng Elderly Filipino Week, kinilala ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pagkilala sa napakalaking ambag ng bawat senior citizen sa pagpapa-unlad sa Pilipinas at paggabay sa bagong henerasyon.

Ang tema ng selebrasyon ngayon taon ay “Senior Citizen: Building the Nation, Inspiring Generations.”

“Kaya naman marapat lamang na bawat isang senior citizen sa bansa ay ating kilalanin, ipagdiwang at pahalagahan sa kanilang pagiging matibay na haligi ng ating komunidad at lipunan,” sabi pa ng mambabatas.

Ayon pa kay Ordanes patuloy niyang ipaglalaban ang mga karapatan ng senior citizens sa pamamagitan ng mga batas, mahahalagang serbisyo at programa.

Aniya noong 17th Congress, ipinaglaban ng Senior Citizens Party-list ang pagtatag sa National Commission of Senior Citizen at noong 18th Congress ay personal niyang ipinaglaban ang pagtaas ng buwanang pensiyon ng mahihirap na senior citizen at ito ay P1,000 na ngayon mula P500.

Ngayong 19th Congress, isinulong ni Ordanes ang RA 11982, ang batas na magbibigay ng P10,000 sa mga aabot sa edad na 80, 85, 90 at 95.

Nakalusot na rin sa Kamara ang universal social pension para sa lahat ng senior citizens anuman ang katayuan sa buhay.

SENIOR CITIZEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with