^

Bansa

Gun ban ilalarga na ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Gun ban ilalarga na ng PNP
Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, magpupulong sa susunod na linggo ang komite na mangangasiwa sa implementasyon ng gunban at security preparations para sa halalan sa susunod na taon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng gun ban at pagbawi sa security detail ng mga kandidato para sa 2025 Mid-Term Elections.

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, magpupulong sa susunod na linggo ang komite na mangangasiwa sa implementasyon ng gunban at security preparations para sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni Marbil na magsisimula ang election period kaya kailangan na gawin ang ilang adjustment upang maayos na maipatupad ang gun ban.

Sisimulan na rin ang pagbawi sa security detail ng mga kandidato sa sandaling matapos ang filing ng Certificates of Candidacy (CoC) sa Oktubre 8. Kailangan munang malaman ng PNP mula sa Comelec ang mga kandidato na mayroong police security at ilan ang nakatalaga sa mga ito.

Ililipat din ng assignment ang mga pulis na matutukoy na may kamag-anak na tatakbo sa kanilang kasalukuyang destino upang maiwasan ang pagkakaroon ng impluwensya.

Pagaganahin din ng PNP, katuwang ang Armed Forces of the Philippines, ang Joint Peace and Security Coordinating Center na siyang tutukoy kung may pangangailangan sa isang kandidato na mabigyan ng protective security.

Nilinaw ng PNP na hangad nila na maisagawa ng maayos at payapa ang 2025 midterm elections.

vuukle comment

GUN BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with