DepEd handa na sa pasukan
MANILA, Philippines - Handa na ang Department of Education sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 2.
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, all systems go na at wala ng inaasahang malaking problema dahil unti-unti na rin naisasaayos ang mga naging suliranin noong mga nakalipas na taon, tulad ng kakulangan ng mga silid aralan.
Sa pagtaya ng kalihim ay aabot sa 23-milyong estudyante ang magbabalik sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa ngayon taon.
Aniya, sapat na ang mga silid-aralan, pero mayroon pa ring siksikan sa mga malaki ang populasyon pero tiniyak nito na wala ng magka-klase sa ilalim ng mga puno.
Nasolusyunan na rin aniya ang kakulangan ng mga upuan at libro ng mga mag-aaral.
Sinabi ni Asec. Jesus Mateo na Enero pa lang ay nagsimula na ang early registration ng mga estudyante para matukoy ang bilang ng mga enrolees.
Isinasaayos na lamang ng mga school officials ang mga huling nagpatala at lumipat ng paaralan, partikular ang mga nasa private na pumunta sa mga public schools.
- Latest