P0.89/kWh taas singil sa gen. charge ngayong Abril
MANILA, Philippines - Ikinasa na ng Manila Electric Company (MeÂralco) ang pagpapatupad ng P0.89 kada kilowatt hour (kWh) na taas-singil sa generation charge ngayong Abril, kasunod na rin nang pagbibigay sa kanila ng pahintulot ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Nangangahulugan ito na aabot sa mahigit P170 ang posibleng itaas ng bill ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan at lagpas P350 naman sa mga kumukonsumo ng 400 kWh.
Ipinaliwanag ng ERC na nakasaad sa patakaran na awtomatikong ipapasa sa taumbayan ang pagtaas ng generation charge.
Dagdag pa nito, kahit kinukwestyon sa Korte Suprema ay gumagana pa rin ang “automatic generation rate adjustment†na nangangahulugang ipapasa nang buo at agad-agad sa konsyumer ang anumang dagdag-singil kahit walang hearingÂ.
Hindi rin umano nila inirekomenda na utay-utayin pa ang taas-singil.
Sinabi ni ERC Executive Director Atty. Francis Juan na inaasahang tataas din ang singil sa mga susunod na buwan kaya posibleng magpatung-patong ang mga dagdag-bayarin.
- Latest