P412-M rice scam buking
MANILA, Philippines - Nabisto ang umano’y maanomalyang pag-aangÂkat ng bigas mula sa Vietnam noong Abril na overpriced daw ng P412 milÂyon.
Ayon sa aktibistang abogado na si Argee Guevarra, bukod sa 187,000 toneladang bigas na inimport mula Vietnam na inihayag ng National Food Autho rity, nagpasok din daw ang ahensiya ng 18,700 tonelada na walang pahintulot mula sa Department of Finance sa ilalim ng Fiscal Incentive Review Board (FIRB).
Matatandaang noong panahon ni Gloria Arroyo, ang polisiya sa importasÂyon ng bigas ay nagbunga ng artipisyal na pagtaas sa presyo nito.
Ayon kay Guevarra, nangangamba ang mga nasa sector ng kalakal na ang planong muling pag-aangkat ng 700,000 toneladang bigas sa NobÂyembre sa ilalim ng kaÂsunduÂang government-to- goÂÂÂÂvernÂment ay maaring pag kakitaang muli ng ng ilang tiwaling opisyal ng DeÂpartment of Agriculture at NFA.
Batay sa mga dokuÂmentong hawak ni Guevarra, umangkat ang DA ng 187,000 tonelaÂdang biÂgas sa presÂyong 459 dolyar o P19,762.95 kada metriko tonelada sa pamamagitan ng G2G transaction. Ngunit ayon sa kaniya, ang umiiral na presyo ng bigas mula sa Vietnam noong panahong iyon ay 360 dolyar o P15,480 lamang kada tonelada.
Ayon sa mga taga-industriyang nakausap ni Guevarra, ang landed cost ng bigas mula sa Vietnam, kasama na ang handling at delivery ay 409 dolyar o P17,587 lamang. Sa maÂkatuwid, ito ay may overprice na P2,100 kada tonelada.
- Latest