^

Bansa

Benepisyo ng 100 years old ibinasura ni PNoy

Rudy Andal at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ni Pangulong Aquino ang panukalang batas na nagbibigay ng benepisyo sa mga Filipino centenarians o mga Pinoy na aabot ng 100 years old.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, hindi pinayagan ng Pangulo na ma­ging batas ang panukala dahil nakapaloob dito ang pagbibigay ng 75 percent discount sa goods at services para sa mga centenarians na Pinoy.

Ikinatwiran ni Valte na masyadong mabigat para sa mga negosyante ang pagbibigay ng nasabing discount sa mga centenarians kaya ito na-veto ni Pangulo.

Sa veto message pa ng Presidente, isinasa-alang-alang nito ang layon ng panukalang batas, su­balit masyado raw mataas ang 75 percent discount at maaaring magdulot ng negatibong epekto sa mga negos­yante, lalo’t walang “tax reduction” sa Senate version.

Inaprubahan ng Senado ang Senate bill 3328 at Kamara ang House bill 834 na magbibigay benepisyo sa mga Pinoy na aabot ng 100 taon.

Sa ilalim ng panukala ay dapat bigyan ng national government ng cash gift na P100,000 bukod sa magmumula sa local government ang mga 100 years old na Pinoy bukod sa 75 percent na discount nito sa goods at services.

May 8,000 tinata­yang Filipino centena­rians ang bansa na dapat ay makinabang sakaling nilagdaan ni PNoy ang batas at hindi ibinasura.

Samantala, dahil sa pagkaka-veto sa panukalang batas kaya tinawag na “bill grabber” ni outgoing Albay Rep. Edcel Lagman si Sen. Francis Pangilinan.

Sinabi ni Lagman na bill grabber si Pangilinan matapos nitong kopyahin ang bersyon ng kanyang panukala sa pamamagitan ng pagpapalit ng 75% discount sa orihinal na 50% na diskwento para sa mga biihin at serbisyo sa mga centenarians.

Ang nasabing hakbang ni Pangilinan ang siyang umanong dahilan kung bakit na-veto ng Pa­ngulo ang Centenarian Bill noong May 15, 2013.

Bwelta ni Lagman kay Pangilinan, sa halip na tiyakin ng senador na maisasabatas ang isang panukala, tila pinigilan pa nito ang “final approval” ng Pangulo.

Ang bersyon ni Pa­ngilinan ay inaprubahan bago mag-adjourn ang Senado para sa campaign period ng midterm elections.

 

ALBAY REP

CENTENARIAN BILL

DEPUTY PRE

EDCEL LAGMAN

PANGILINAN

PANGULO

PINOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with