^

Pang Movies

Paulo, binigyan ng problema ng photog

Dianne Canlas - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Nanawagan ang aktor na si Paulo Avelino sa mga photographer kung saan spotted siya kahapon na tumatakbo sa Ayala Avenue para sa Car-Free Sundays.

Sa post ng My Love Will Make You Disappear actor, sinabi nitong kung magpo-post daw ng litrato nila ay huwag na raw sanang lagyan ng logo ng mga sponsor ng mga ito.

Ipinost kasi ng photographer ang litrato niya kasama rin ang aktor na si Alden Richards at mga kaibigan nila habang nagja-jog sila na may mga logo ng mga sponsor sa baba at may party-list din.

Tingin ng mga netizen ay mukhang may conflict daw sa endorsement niya ang ginawa ng photographer.

Maaari rin daw kasing ma-misinterpret ng mga brand nila ang kumalat ng litrato at may posibilidad na ma-breach of contract pa sila.

Sinang-ayunan naman si Paulo ng mga netizen lalo’t maayos at hindi naman daw demanding ang paraan ng panawagan nito.

Pinahintulutan naman daw nito ang mga photographer sa watermark nito dahil deserved naman daw ng credit ng mga ito sa talent nila, na nararapat lang daw. Huwag na lang daw samantalahin ng mga photographer kaya mabuti ang na-call out agad ito.

Habang sinusulat ito ay tila binura na ng photographer ang litrato at ni-repost ang mga ito nang wala nang logo ng mga sponsor.

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with