Female singer, kinakarir ang pagiging marites!
Sobrang Marites pala ng isang sikat na female singer na ang daming alam na tsismis kaugnay sa pagbenta ng isang bahagi ng lupa ng network.
Marami ang alam na tsismis si female singer na nangyari sa kapaligiran ng gigibaing bahagi ng network. Gaya ng paglandi ng isang female host sa isang hunk actor matapos ang isang okasyon sa network, huh!
Eh dahil that time, wala pang asawa si female host at sikat si hunk actor na halos pinagnanasaan ng kababaihan, nagkatikiman daw ang dalawa ayon sa female singer, huh!
Take note, kapag chummy-chummy ng singer ang kausap, non-stop ang kuwento niya ng mga tsismis sa paligid ng nangyari sa showbiz personalities na working sa network!
Marian, isiniwalat ang totoong siya!
Gusto ba ninyong malaman ang totoong Marian Rivera?
Isiniwalat ni Yan ang simula at hirap niya’t tagumpay sa interview sa kanya ni Karen Davila na may teaser ng interview sa kanyang Facebook.
Ang interview ni Marian ay kaugnay ng selebrasyon ng Women’s Month.
Happy Women’s Month sa aming dear editor, Salve Asis at sa lahat ng kababaihang tagatangkilik ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa mula noon hangang ngayon!
- Latest