^

Pang Movies

Jojo Mendrez, tikom sa intriga sa kanila ni Rainier!

Gorgy Rula - Pang-masa
Jojo Mendrez, tikom sa intriga sa kanila ni Rainier!
Jojo at Ranier.
STAR/ File

Kahapon ay pormal nang inilunsad ng Star Music ang kasunod na single ni Jojo Mendrez ang kantang Nandito Lang Ako na likha ni Jonathan Manalo.

Tinaguriang Revival King si Jojo na pawang revival songs ang na-record nito kagaya ng Sana, Handog, Magkabilang Mundo, at ang latest ay Somewhere in My Past.

Ngayon ay original song na ang ini-record niya sa Star Music at maganda ang rendition niya sa kantang ito ni Jonathan Manalo.

“Medyo matrabaho siya e, kasi first original song ni Jonathan Manalo, siyempre maingat na maingat ako kasi nilikha niya ang kantang ‘yan especially for me. So ayokong mapapahiya or mapipintasan ako with that song kasi talagang pinaghirapan ko talaga ‘yan. At hinintay ko talaga panahong ito para maipalabas siya.

“Nasa Spotify na nga siya at sa lahat na streaming platforms,” bulalas ni Jojo nang makatsikahan namin sa aming radio program.

Maganda ang pagkakanta rito ni Jojo, kaya mas magandang ito na lang ang ipo-promote at hindi na ‘yung mga isyung kinasangkutan niya kay Mark Herras at ang latest naman ay kay Rainier Castillo.

“Hindi ko kasi alam kung saan talaga nagsisimula ‘yung intriga. Kasi, the time na nakunan kami ni Mark sa Okada, nagkaroon na ng malicious na ano sa tao. Nagkakaroon na ng mga speculation na kung may nangyayari ba o whatever.

“That time, hindi ako makapagsalita kasi sa social media ang dami kong nababasa na hindi ko talaga kaya. Hindi ko naman puwedeng patulan ang ibang nagko-comment na feeling nila alam na nila ‘yung nangyayari.

“Sabi sa akin ni Mark, huwag nang pansinin ‘yung mga intriga. Tapos, dumating naman ‘yung time na ipinakilala ako ni Mark kay Rainier… si Rainier naman kasi makuwento, masayahing tao.

“Nung nagkaroon ng chance na nagkasama kami ni Rainier, nabigyan ng kulay ‘yun.

“Parang ang hirap tanggapin e. Hindi ko ma-explain. ‘Pag magsalita ako na hindi naman totoo, hindi naman maniniwala ‘yung tao. So, ano pa ang i-explain ko?” saad ni Jojo Mendrez ni Jojo na ganap nang ipinakilala bilang Star Music artist.

JOJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->