^

Pang Movies

Miyembro ng K-Pop group, may serye sa GMA!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Miyembro ng K-Pop group, may serye sa GMA!
Choi

Madadagdagan ang Sparkle GMA Artist ng South Korean sa kanilang poder dahil mapapanood sa isa sa upcoming series ng GMA 7 ang Koreano na si Choi Bo-min. Member daw ito ng K-pop group na Golden Child.

In fairness, siya ang nagbalita sa project niya sa GMA. “I have an upcoming project, drama series with GMA,” sabi nito sa kanyang meet and greet dito kamakailan.

Wala pang detalye tungkol dito at hindi pa yata ito nakakapirma ng kontrata, pero sigurado na dahil ibinalita na nga sa fans.

Naghuhulaan na ang Kapuso fans kung anong drama series ang gagawin niya at kung sino ang mga makakasama.

Ang request ay pagtambalin sila ni Jillian Ward dahil tapos na ang My Ilonggo Girl at sigurado raw babagay na magkapareha ang dalawa. Ang isa pang request ay pagsamahin sila ni South Korean actor Kim Ji-soo na nakakontrata rin sa Sparkle.

Anak ni Alice, nag-face reveal na

May slight face reveal na si Alice Dixon sa anak na si Aura, hindi pa nga lang buong mukha ng bagets. Kundi nakatungo, naka-side view ang bata, pero makikita mong maganda at mestiza at English speaking.

Malaki na ito, hindi lang kami sure sa edad, pero bibilib ka kay Alice dahil napangatawanan na hindi ipakita ang mukha ng anak. Kahit naba-bash siya sa ginawang pagtatago sa mukha ng bata, napangalagaan naman niya ang privacy nito.

Mga kasama lang sa bahay, ang doctor nito at close friends niya ang nakakita pa lang sa bata at si Donita Rose, may comment ng panghihinayang na hindi niya nakita ang early stages ng paglaki nito.

Matt, nagpakita ng galing sa pelikula

Hindi namin nakita ang mom ni Matt Lozano na si Elaine Lozano sa premiere night ng Sinagtala the Movie noong Huwebes sa SM Megamall. Hindi rin siya in-acknowledge ni Matt, kaya malamang, wala ito.

Anyway, kung napanood nito ang movie na isa si Matt sa mga bida, madodoble ang pagiging proud niya sa anak dahil mahusay ito. Mapa-drama o comedy ang eksena at pati sa mga eksenang tumutugtog ang kanilang banda.

Naalala tuloy namin ang kuwento ni director Mike Sandejas na narinig lang niyang kumakanta si Matt sa isang event at kahit hindi pa niya nakikita, alam niyang isasama niya ito sa tinawag niyang “perfect match.”

Mahusay sa mga drama scene nila ni Benjie Paras si Matt, sa drama scene nila ni Arci Muñoz at sa comedy scene habang binu-bully ang isa’t isa. Higit sa lahat, mahusay maggitara si Matt na gumaganap sa role ni Isko na bading na ayaw ipaalam sa homophobic na ama.

Showing na simula sa April 2 ang movie na ipinagmamalaki ni Atty. Annette Gozon-Valdes dahil puro Kapuso ang cast (bukod kay Arci). Mababasa rin sa credits ng movie na si Senator Alan Peter Cayetano ang executive producer ng movie, kaya pala nasa premiere night siya.

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->