Sen. Imee, binuking na matagal na silang ‘di nag-uusap ni Pangulong Marcos
Inamin ni Sen. Imee Marcos na matagal na silang hindi nag-uusap ng kanyang kapatid na si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa Pandesal Forum hosted by Wilson Lee Flores na ginanap sa Kamuning Bakery kahapon ay naging panauhing pandangal si Sen. Imee at dito nga ay nag-open up siya hinggil sa relasyon nila ni PBBM.
Aniya, bago pa man magkaroon ng alitan sina PBBM at kaibigan niyang si Vice President Sara Duterte ay hindi na sila nag-uusap ng kapatid.
“I’ve tried very hard to maintain a relationship but it seems that we are being torn apart by many personalities and forces that have their own agenda. It’s a really heartbreaking story for me,” pag-amin ng senatorial reelectionist.
“Ang totoo, hindi na kami nag-uusap, eh. Nakikita ko lang sa public places kung saan maraming tao at napakabilis lang,” dagdag pa niya.
She revealed na bago pa man daw maupo bilang Pangulo ang kanyang kapatid ay nagkakaroon na sila ng tensyon.
“Dahil feeling ko, hinaharang ako, maraming sinasabi, ganu’n. At matagal na rin kaming hindi nag-uusap at nu’ng pinipilit ko, naka-ilang beses din kami na nakipag-usap, parang wala namang nangyayari,” aniya.
Nagtuluy-tuloy na raw ang ganitong sitwasyon sa pagitan nilang magkapatid na lumala pa raw nang lumala sa paglipas ng mga buwan lalo na’t kinokontra niya ang ilang desisyon ng Malacañang kabilang na ang proposed budget for 2025.
“Lumabas na ‘yung issue ng budget. Napilitan akong tumayo tungkol sa budget ng 2025 na hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nilulustay ang pera samantalang ang dami nating kailangan sa agrikultura, ang dami nating kailangan sa pagbabaha, ang dami nating kailangan sa kalusugan.”
Nasundan pa raw ito ng pagkontra niya sa impeachment ni VP Sara at ito ngang huli, ang pagtutol din niya sa pagkakaaresto ng ICC kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi na raw niya talaga matiis ang mga nangyayari kaya talagang nagsalita na rin siya tungkol sa nangyari kay Duterte.
“Napipilitan akong magsalita sa publiko dahil baka sakali, eh mabigyan ng pansin,” aniya.
Samantala, naninindigan pa rin si Sen. Imee na hindi tama ang pagkakaaresto kay Duterte at ang paglilitis na ginagawa rito sa ibang bansa. Malalim daw talaga ang hugot niya tungkol dito dahil naaalala niya ang kanyang amang si yumaong dating presidente Ferdinand Marcos Sr. na napalayas din sa sariling bansa in 1986.
“Hindi dapat na sinumang Pilipino ay palayasin sa kanilang bansa at dalhin sa iba pang lugar. Hindi tama ‘yun. Alam naman natin ipinaglalaban natin. Kaya kinakailangang intindihin natin ang nangyari.
“Higit sa lahat, in aid of legislation, lahat ng pagsisiyasat sa Senate at sa Congress. Ano nga ba ang mga batas na nilabag kung meron? Ano ang mga bagong batas kung kinakailangan o amiyendahan? Sino ang dapat patawan ng parusa kung lumabag sa batas? ‘Yun lang naman ang habol natin,” pahayag ni Sen. Imee.
Shaira, naloka sa pa-pwet ni EA!
Ikinaloka at ikina-shock ni Shaira Diaz sa pagpapasilip ng pwet ng fiancé niyang si EA Guzman sa katatapos lamang na fashion show ng isang kilalang apparel brand.
Sa kanyang Facebook page ay ini-repost ni Shaira ang video ng pagrampa ni EA kung saan ay makikita na nakasuot ng purple underwear ang aktor at bakat na bakat ang private part nito.
Caption ni Shaira, “NALOKA AKO SIZ.”
But wait, there’s more dahil nga viral na ang video ng pagrampa ni EA kung saan, pagtalikod niya sa audience ay bigla niyang ibinababa ang underwear at ipinakita ang kanyang pwet.
Sa sumunod na FB post ni Shaira ay inamin niyang in shock siya sa ginawa ng future hubby.
“Mygooodnessssss! Yung pwet ng asawa ko. alam na ng lahat itsura. susginoo! Hindi ko talaga alam! Im shookt!!!” pahayag ng Kapuso actress.
Ini-repost rin niya ang naturang “pasilip ng pwet” video at pabiro niyang tinalakan si EA. It turned out na hindi raw sinabi sa kanya ng fiancé ang gagawing paghuhubad.
“PWETMALU KA EA Guzman. lintek na yan! Sabi mo sakin sasayaw ka lang, nagulat ako nagsigawan sa labas, tanong ko pa sa FD, “bakit nagtilian? Si EA ba yun?? Ano ginawa??…*nagpakita daw* syempre ako *HA??*” kwento ni Shaira.
Patuloy pa ng aktres, pagbalik daw sa backstage ay tinanong niya si EA kung ano ang ginawa nito sa stage at nagtilian ang audience. Ngumiti lang daw ang aktor.
“ABA AYON PALA GINAWA. MAGALING,” sey ni Shaira.
Sa comment section ay positibo naman ang pagtanggap ng netizens sa ‘pa-pwet’ ni EA at sey nga nila, nagpaka-professional lang daw ang aktor. Marami rin ang humanga sa makinis na pwet nito.
Nilinaw naman ni Shaira sa comment section na suportado niya all the way ang soon-to-be husband.
- Latest