Andrea, napuruhan ang ngipin sa frisbee

Nakakaloka na totoo raw palang naputol ang ngipin ni Andrea Brillantes.
Nag-post pala ito ng photo na makikita ang tapyas sa ngipin niya na inakala ng mga nakakita ay filter lang o ‘di kaya’y edited pero totoo raw pala.
Tinamaan daw pala ito sa Frisbee. ‘Kaloka.
Hindi nga agad mapapansin ang ngipin niya dahil mas kapansin-pansin ang ganda ng mukha niya.
Pero nakakapanghinayang naman dahil nasira nga ang totoong ngipin niya at sa pinakaharap pa ha.
Pero nagkomento raw ito sa TikTok video niya na nag-panic naman daw siya noong una pero five to 10 minutes lang daw.
Hindi rin daw kasi siya masyadong tarantahin as a person.
Well, afford naman kasi niyang magpaayos ng ngipin. At maganda pa rin siya kahit bungi siya.
Pero sa susunod ay mag-iingat na sana siya dahil baka hindi lang ngipin niya ang matamaan ng Frisbee.
Baka mapuruhan ang ilong niya at matabingi.
Hahaha. ‘Kaloka.
- Latest