Rita, inaming bumibigay minsan!
Sa kabila ng kanyang mabigat na pinagdaraanan ngayon, pinipilit pa rin ni Rita Daniela na magpakatatag alang-alang sa kanyang nag-iisang anak na si Uno.
“I’m really trying my best to be okay because I have to be okay. I have no choice because there is a person who’s depending on me,” pahayag ng Kapuso actress sa panayam ng 24 Oras.
“If bibigay ako, mas kawawa si Uno (her son), mas kawawa ‘yung anak ko,” dagdag niya.
Matatandaang nagsampa si Rita ng kasong acts of lasciviousness laban sa aktor na si Archie Alemania kamakailan.
Inamin din ng aktres na dumarating na rin siya sa punto na feeling niya ay parang hindi na niya kaya naman nagsimula na rin daw siyang sumailalim sa counseling. “There are days na hindi ko rin napipigilan, bumibigay ako bilang tao. I am trying my best and starting to have counseling, you know, and therapy. Anything that I can do to really help myself to move forward and be stronger and braver than ever,” aniya.
Ikinatutuwa naman ni Rita na dahil sa ginawa niyang paglantad sa kanyang dinanas ay marami raw kababaihan ang lumapit sa kanya at nagpahayag ng suporta.
“There are women na talagang lumalapit sa akin and they would just commend ‘yung nangyari and they’ve been telling me personally na ‘hey, I like what you did,’ like ‘you’re so brave, I hope I can be like that for myself before,’” pahayag niya.
Sinagot din ng aktres ang dahilan kung bakit nga ngayon lang siya nagsampa ng kaso gayung Setyembre pa nangyari ang diumano’y pambabastos sa kanya ni Archie.
“It took me a while talaga to ano, to do this, kung anuman ‘yung ginawa ko kasi talagang maliban sa pagdarasal, kailangan din ng ano, eh, ‘yung talagang pagninilay-nilayan mo lahat,” she said.
Samantala, wala pang opisyal na pahayag si Archie tungkol dito subalit ayon kay Cristy Fermin sa kanyang online show ay nakausap niya ang aktor at itinatanggi raw nito ang mga akusasyon ni Rita.
- Latest