Franseth, winner na rin ang pakiramdam
Swak na swak sa tambalang FranSeth nina Francine Diaz at Seth Fedelin ang “from zero to beyond” tagline ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang My Future You dahil kumbaga ay unti-unti na ngang lumilinaw ang “future” nila bilang mga aktor matapos magwagi ng Breakthrough Performance award si Seth sa katatapos na Gabi ng Parangal.
Siyempre, isa sa pinaka-proud kay Seth para sa achievement niyang ito ay si Francine na nag-post sa Instagram ng kanyang reaksyon sa pananalo ng kanyang “Yancy.”
Anang dalaga, “WHAT?!!
“Grateful for everything that happened this year.
“Tama nga, we must be patient kasi He will give it at the right time.
“To our FranSeth family, walang sawang pagpapasalamat mula sa mga puso namin ni yancy, kita at ramdam namin ang pagmamahal at suporta niyo, para sainyo to.
“Sa lahat po ng nanood ng My Future You,’maraming salamat po binigyan niyo ng chance ang pelikula namin, we hope we made you feel the love and happiness this Christmas when you left the cinemas.”
Bukod sa Breakthrough Performance, nag-uwi rin ng ilan pang awards ang My Future You ng Regal Entertainment, tulad ng Best Director para kay Direk Crisanto Aquino, 3rd Best Picture at Best Editing (Vanessa Ubas de Leon).
Umani rin ng walong nominasyon ang heartwarming rom-com/fantasy movie, kabilang na ang Best Actress at Breakthrough Performance (Francine), FPJ Memorial Award, Best Float, Best Visual Effects (Santelmo Studio Inc.), Best Musical Score (Decky Margaja) at Best Screenplay (Direk Cris Aquino).
- Latest